Rider dedo sa road mishap

CAVITE, Philippines – Bumulagta ang 23-anyos na rider habang kritikal naman ang kanyang kaangkas makaraang sumemplang ang motorsiklo sa kahabaan ng Molino-Paliparan Road sa Barangay Salawag, Dasmariñas City, Cavite, kamakalawa ng gabi. Kinilala ang namatay na si  Richard Pacite ng  Barangay Paliparan 3 habang kritikal naman ang kaangkas na si Kiven Taganan, 18, ng Barangay Paliparan 3. Ayon kay PO3 Nick Rosero, sinasabing biglang nag-u-turn ang van (UYA 636) ni Jaime Togonon sa kurbadang highway sa nasabing lugar kaya ang sumusunod na motorsiklo ni Pacite ay sumemplang. Nakatakda namang kasuhan ang driver ng van na si Togonon ng Block 2 Lot 18, Phase 2 sa Mabuhay City Subd. sa Brgy. Paliparan 3, Dasmariñas City, Cavite.

Show comments