8-anyos totoy kisay sa kuryente

CAMARINES NORTE, Philippines - Maagang sinalubong ni kamatayan ang isang 8- taong gulang na batang la­laki makaraang aksidenteng maapakan ang isang kawad ng kuryente sa Sitio Tuma­bag, Brgy. San Rafael, Jose Panganiban, Camarines Norte kamakalawa. Ang biktima ay nakilalang si Fermil Jerez, residente ng nasabing barangay. Dakong alas-8:00 ng umaga habang naglalakad ang biktima upang bumili ng pagkain sa isang tindahan nang hindi nito napansin ang live wire hanggang sa maapakan ito. Sa lakas ng boltaheng pumasok sa katawan ng biktima, agad siyang nangisay dahilan ng agarang kamatayan nito. Inaalam ng mga awtoridad kung may kapabayaang nangyari sa kooperatiba ng kur­yente.

 

Show comments