^

Probinsiya

ABC prexy bulagta sa tandem

Victor Martin - Pilipino Star Ngayon

BAYOMBONG, Nueva Vizcaya , Philippines  – Patay ang isang Barangay chairman na presidente rin ng Association ng Barangay Chairman (ABC) matapos mapuruhan sa ulo ng riding-in-tandem sa Barangay Calaocan, Bambang ng lalawigang ito kamakalawa ng umaga. Ang nasawi ay si Mario Parolan, 53, mas kilala sa bansag na Kap Mayong ng Barangay San Fernando, Bambang. Batay sa ulat, dakong alas-8:00 ng umaga habang angkas umano ng biktima sa kanyang motorsiklo ang asawang si Nerly Parolan, 48, isang government employee at patungo sana sila sa munisipyo ng Bambang nang sabayan sila ng mga hindi pa nakikilalang mga suspek na sakay din ng isang motorsiklo. Pagsapit sa isang hump sa kalsada ng Bgry. Calaocan ay bahagyang bumagal ang kanilang takbo nang paputukan sila ng dalawang beses ng mga suspek gamit ang isang kalibre ng baril. Napuruhan si Parolan sa tama ng bala sa ibabang bahagi ng kanyang tenga na idineklarang dead-on-arrival sa Nueva Vizcaya Provincial Hospital (NVPH). Sugatan naman ang kanyang misis na kasalukuyan pa ring nasa pagamutan.

vuukle comment

ASSOCIATION NG BARANGAY CHAIRMAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with