Kawatan utas sa kuryente

LEGAZPI CITY, Albay , Philippines  - Kamatayan ang sinapit ng isang kawatan na tinangkang tumakas bitbit ang ninakaw matapos itong makuryente sa bakod ng kawayan sa Barangay Buenasuerte sa bayan ng Uson, Masbate noong Sabado ng umaga. Kasalukuyang bineberipika pa ang pagkakakilanlan ng kawatan nasa 48- anyos, may taas na 5’9”, naka- itim na shorts at sweatshirt. Sa ulat na nakarating sa Camp Simeon Ola, dakong alas-7 ng umaga nang nakawin ng suspek ang dalawang kambing na pag-aari nina Gina Cappelan at Milo Tumacas. Tinangka sanang tumakas ng kawatan kung saan sumampa sa kawayang bakod ni Capellan pero nahawakan nito ang nakabiting kable ng kuryente kaya ito nangisay at agad namatay. Narekober sa suspek ang dalawang kam­bing, mahabang patalim na nakasukbit sa beywang, lighter at flashlight.

Show comments