Mag-ina tinuhog ng lolo

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines - Tinutugis ngayon ng mga awtoridad ang 62-anyos na lolo na sinasabing gumahasa sa kanyang 12-anyos na apo at manugang ang nawalang parang bula matapos sampahan ng reklamo sa pulisya sa bayan ng Alicia, Isabela kamakalawa. ?Sa police report na nakarating kay P/Chief Insp. Darwin Urani, hepe ng Alicia PNP, nagsimulang gawing sex slave ng traysikel drayber na suspek na si Pepito Tabungao ang apong itinago sa pangalang Remedios noong Septiyembre 2016.? Ayon sa police report, hindi na nakayanan ng dalagita ang kahayukan ng kanyang lolo na malimit siyang ginagahasa kapag lango sa alak kaya inireklamo na ito sa kaanak.? Nabatid din sa mga kaanak na naunang pinagsamantalahan ng matanda ang manugang na ina ng biktima kaya ito lumisan sa kanilang barangay at inabandona ang anak.?

Show comments