^

Probinsiya

Ex-cop na nasa drug list ni Digong, nilikida

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Napaslang ang retiradong pulis na nasa drug list ni Pa­ngulong Rodrigo Duterte matapos itong pagbabarilin ng hindi kilalang lalaki sa loob ng kanyang bahay sa Barangay Vito, bayan ng Minglanilla, Cebu noong Miyerkules ng umaga. Kinilala ang biktima na si ex-SPO2 Ronilo Nabua na nagretiro na noon pang 2008 habang sugatan naman si Dario Sellote na nagkukumpuni ng sasakyan ni Nabua matapos itong tamaan ng ligaw na bala. Sa ulat ng pulisya na nakarating sa Camp Crame, bago ang insidente ay dumating sa bahay ni Nabua ang gunman kung saan nag-usap pa umano ang mga ito. Gayunman, bigla na lamang ratratin ng gunman ang biktima kung saan bago ito tuluyang tumakas ay may kinuhang bag sa loob ng bahay ng dating pulis. Magugunita na noong Agosto 2016 ay kabilang ang biktima sa mga tinukoy ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga sangkot sa drug trade.

vuukle comment

DRUG LIST

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with