^

Probinsiya

Bike vs bike: Pulis utas, 2 kritikal

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines – Bulagta ang isang pulis habang kritikal naman ang kanyang misis at isa pa makaraang magsalpukan ang dalawang motorsiklo sa kahabaan ng highway sa Sitio Madangro sa Barangay 10 Parparoroc sa bayan ng Vintar Ilocos Norte kamakalawa ng hapon. Kinilala ni P/Chief Insp. Dexter Corpuz, tagapagsalita ng Ilocos Norte PNP ang namatay na pulis na si PO1 Denbert Madamba ng Vintar PNP Vintar . Habang kritikal na isinugod sa Gov. Roque Ablan Sr. Memorial Hospital ang misis nitong nurse na si Mariclaire Madamba at ang nakasalpukang driver ng motorsiklo na si Rex Sibbaluca. Sa lakas ng salpukan ay tumilapon at nagpagulung gulong ang mga biktima sa kahabaan ng kalsada kung saan ang kani-kanilang motorsiklo ay nawasak habang patuloy naman ang imbestigasyon.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with