^

Probinsiya

Chairman tumanggi sa alok ng pulitiko, itinumba

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon

Barangay treasurer dinukot 

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines – Pinabulagta ang 53-anyos na barangay chairman matapos itong pagbabarilin ng mga hindi kilalang kalalakihan sa panibagong karahasang naganap sa Barangay Dammang West, bayan ng Echague, Isabela kahapon ng umaga.

Sa police report na nakarating kay P/Senior Supt. Leon Rafael, Isabela PNP director, ang pagpatay sa biktimang si Chairman Nestor Medina ng Barangay Rumang-ay ay naganap isang araw matapos dukutin ang barangay treasurer na si Orlando Lagasca ng Barangay Bacradal.?

Ayon sa pulisya, si Medina ay tinambangan sa abandonadong lugar sa gilid ng bukirin dakong alas-9 ng umaga kung saan napuruhan ito sa ulo. ?

Sa pahayag ng anak na si Nobleza Agustin, bago pa ang pamamaslang sa kanyang ama ay namataan itong ina­alok ng malaking halaga ng pera mula sa hindi nito tinukoy na emisaryo ng isang pulitiko subalit tumanggi ito.?

Ayon naman kay Echa­gue Vice Mayor Katrina Kiat na ang pinatay na opisyal ay masugid na supporter ng kanyang ina na si Mayor Melinda Kiat na pinaniniwalaang may bahid-pulitiko ang naganap na pamamaslang.

Samantala, palaisipan pa rin sa mga imbetigador ng pulisya kaugnay sa pagdukot kay Barangay Treasurer Lagasca.?

Hindi pa rin matukoy ng pulisya kung mayroong kaugnayan ang pagdukot kay Lagasca sa pagpatay naman kay Medina.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with