Kinalasan ng nobyo, nagbigti

CAVITE, Philippines – Kusang nagpasalubong kay kamatayan ang 18-anyos na estudyante na sinasabing kinalasan ng nobyo matapos itong magbigti sa kanilang bahay sa Barangay San Rafael 4 sa bayan ng Noveleta, Cavite kamakalawa. Bandang alas-7 ng umaga nang matagpuang nakabitin sa kisame ng kanyang kuarto ang biktimang si Henrilyn Tiambeng. Base sa police report na isinumite sa Camp Pantaleon Garcia sa Imus City, sinasabing problemado ang biktima dahil sa pakikipagkalas sa kanilang relasyon ng nobyo na pinaniniwalaang isa sa motibo ng biktima kaya isinagawa ang pagpapakamatay.

Show comments