^

Probinsiya

2 Laglag-Barya Gang, arestado

Pilipino Star Ngayon

PAMPANGA, Philippines – Rehas na bakal ang binagsakan ng dalawang miyembro ng Laglag-Barya Gang na nambiktima ng isang negosyante sa pampasherong jeepney matapos itong masakote sa Barangay Balibago, Angeles City, Pampanga noong Miyerkules ng hapon. Pormal na kinasuhan ang mga suspek na sina Albert Marasigan, 37, residente ng 79, Gutierrez Compound, Taguig City; at Dondon Pasumlao, 30, ng Barangay Malaban sa Biñan City, Laguna. Base sa police report na nakarating kay P/Senior Supt. Sydney Villaflor, hepe ng Angeles City PNP, nakasakay ang biktimang si Leonardo Olandria sa pampasaherong jeepney nang isagawa ng mga suspek ang modus operandi. Gayon pa man, napigilan ng biktima ang mga suspek saka inaresto sa tulong ng ilang pasahero at driver ng jeepney saka dinala sa himpilan ng pulisya. Narekober ang P10, 000 cash na sinikwat ng mga suspek.

 

ALBERT MARASIGAN

ANGELES CITY

BARANGAY BALIBAGO

BARANGAY MALABAN

DONDON PASUMLAO

GUTIERREZ COMPOUND

LAGLAG-BARYA GANG

LEONARDO OLANDRIA

SENIOR SUPT

SYDNEY VILLAFLOR

TAGUIG CITY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with