_ngayon
^

Probinsiya

Biruan nauwi sa saksakan: 1 patay!

Pilipino Star Ngayon

CAMP JULIAN OLIVAS, Pampanga, Philippines – Nauwi sa trahedya ang masa­yang inuman matapos na mapatay sa saksak ang isang lalaki na nagbiro lamang sa Brgy. Calantas, Floridablanca kamakalawa ng gabi.

Sa ulat kay P/Supt. Johana Rosales, hepe ng Floridablanca Police, kinilala ang nasawi na si Fernando Mendoza, 38, ng nasabing lugar habang ang suspek ay si Eduardo Calapano,  25, tubong Samar at nakatira sa Brgy. Calantas, Floridablanca.

Sa pagsisiyasat, habang kumakain umano ng mami si Calapano kasama ang pinsan matapos mag-inuman nang biglang dumating si Mendoza at isang kasama nito na  umano’y nagbiro.  Pinalo umano siya sa ulo ng isang bote, na nauwi sa mainitang pagta­talo hanggang sa tumakbo si Calapano sa kanilang bahay na hinabol naman ni Mendoza at pinagbabato pa nito ang bahay ng una, Paglabas ni Calapano, may dala na siyang  patalim at saka nito sinaksak si Mendoza na nagtamo ng malalalim na sugat sa katawan.

Nagawa pang isugod sa pinakamalapit na ospital ang biktima subalit idineklarang dead-on-arrival.

ACIRC ANG BRGY CALAPANO EDUARDO CALAPANO FERNANDO MENDOZA FLORIDABLANCA FLORIDABLANCA POLICE JOHANA ROSALES MENDOZA NAGAWA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with