Van bumaliktad: 3 sugatan
TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines – Tatlo-katao ang nasugatan makaraang bumaliktad ang pampasaherong van na may kargang 20 sakong bigas sa naganap na sakuna sa Barangay Antutot, bayan ng Kasibu, Nueva Vizcaya kamakalawa. Naisugod naman sa ospital ang mga biktimang sina Arnel Aranas, 42, driver; Ariston Aranas, 15, anak ni Arnel; at ang helper na si Ben Kalimot. Nabatid na nawalan ng preno ang van habang tinatahak ang pababa at kurbadang bahagi ng bulubunduking highway kaya ito bumaliktad sa gilid ng kalsada dahil sa bigat na kargada.
- Latest