^

Probinsiya

Misis kumabit sa kapitbahay… Mister, karibal nagduwelo: 1 patay!

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon

Cavite, Philippines – Patay ang isang mister matapos na makipagduwelo sa kanyang kapitbahay na lalaki na umano’y nang-agaw ng kanyang asawa matapos silang magduwelo dahil sa matin­ding galit at selos sa Brgy. Sampaloc 4, Dasmariñas City kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni P/Supt. Joseph Arguelles, hepe ng pulisya, ang nasawi na si Juli Latigay, 41, construction worker, ng Blk 4, Lot 7, Zone 11, Bautista Prop, habang kritikal sa pagamutan ang kapitbahay nitong si Brazil Claridad, 39, ng Blk 6, Lot 22, Zone 11, Bautista, pawang sa nasa­bing barangay.

Sa imbestigasyon ni PO3 Armando Perez, dakong alas-10:30 ng gabi nang magkita at magpang-abot sina Latigay at Claridad.

Si Claridad ang umano’y bagong kinakasama ng misis ni Latigay na tumira pa malapit sa kanilang bahay. Nakipaghiwalay umano ang babae sa kanyang mister na si Latigay at sumama kay Claridad.

Dahil sa hindi matanggap ni Latigay na iniwan at ipinagpalit siya ng misis nito sa kanyang kapitbahay, nagkaroon ng mainitang pagtatalo sa pagitan nito at karibal na nauwi sa suntukan hanggang sa magduwelo at maglabas ng kanya-kanyang patalim.

Kapwa nagtamo ng mga saksak ang dalawa subalit mas napuruhan si Latigay sa dibdib na tumagos sa kanyang puso. Kapwa sila isinugod sa pagamutan subalit hindi na umabot pang buhay si Latigay habang inoobserbahan si Claridad dahil sa tinamong ilang saksak sa katawan.

vuukle comment

ACIRC

ANG

ARMANDO PEREZ

BAUTISTA PROP

BRAZIL CLARIDAD

CLARIDAD

JOSEPH ARGUELLES

JULI LATIGAY

KAPWA

LATIGAY

SI CLARIDAD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with