Binata iniwan ng syota, nilitson ang sarili

CAMARINES NORTE, Philippines – Desperadong nagpakamatay ang 24-anyos na lalaki na sinasabing kinalasan ng kanyang nobya matapos itong magsaksak sa sarili at sunugin ang inuupahang bahay sa Purok 7A, Barangay Bagumbayan sa bayan ng Paracale, Camarines Norte kamakalawa ng hapon. Bandang alas-3 ng hapon nang mamataan ng ilang residente na tinupok ng apoy ang bahay ni Noriel Legaspi sa nasabing barangay. Nagtamo ng 3rd degree burn ang biktimang nakahandusay sa sala at kinakitaan ng mga tama ng saksak sa katawan na sinasabing nagsaksak sa sarili bago sinunog ang kanyang bahay. Ayon sa kasamahan ng biktima sa trabaho sa videoke bar, naging desperado sa buhay ang lalaki matapos iwanan ng kanyang nobya na si Carla Balensuelo ng Atimonan, Quezon. 

 

Show comments