Mister dedo sa lover ni misis

CAMARINES NORTE, Philippines – Napatay ang 21-anyos na mister matapos itong pagtulungang gulpihin ng dalawang lalaki na inupahan ng lover ng kanyang misis sa Bagong Lipunan, Barangay 2 Poblacion sa bayan ng Vinzons, Camarines Norte kamakalawa ng gabi. Nagtamo ng matinding pinsala sa ulo ang biktimang si Joel Mago ng Purok 2, Calangcawan Norte sa bayan ng Vinzons habang nasakote naman ang mga suspek na sina Brixon Dimas, 24; at Richard Delos Santos, 24, ng Brgy Mancawayan, Calaguas Islands sa bayan ng Vinzons. Sa imbestigasyon ng pulisya, lumilitaw na kinompronta ng biktima ang sinasabing lover ng kanyang misis habang nakikipag-inuman sa kanyang kaibigang si Manuel Paor.  Gayon pa man, galit na umalis ang nasabing lalaki at nang bumalik ay kasama na ang dalawang suspek kung saan pinagtulungang gulpihin ang biktima hanggang sa mapatay.

Show comments