^

Probinsiya

Reyna ng Budol Gang, arestado

Boy Cruz - Pilipino Star Ngayon

BULACAN, Philippines – Nalutas ang serye ng panggagantso sa iba’t ibang bayan makaraang maaresto ang 44-anyos na reyna ng Budol Gang sa Barangay Bañga 1st, bayan ng Plaridel, Bulacan kamakalawa ng hapon.

Hindi na nakapalag at pormal na kinasuhan ang suspek na si Evelyn De Guzman ng Barangay Makinabang sa bayan ng Baliwag.

Sa police report na isinumite kay P/Supt. Dale Soliba, pinakahuling naloko ng suspek ang biktimang si Mary Ann Diezmo ng Brgy. Tabang sa bayan ng Plaridel.

Ayon sa ulat, nilapitan ng suspek ang biktima habang ito ay nasa shopping mall kung saan nagpakilalang mi­sis ng isang opisyal ng pulis.

Inakusahan ang biktima na ninakaw nito ang pitaka ng kanyang anak. Gayon pa man, upang patunayan na nagkamali ang suspek ay kusang ipinakita ng biktima ang kanyang bag.

Lingid sa kaalaman ng biktima ay sinamantala ng suspek na limasin ang P6,000 cash at mga ATM card nito saka mabilis na tumakas.

Humingi ng saklolo ang biktima sa ilang sekyu kaya nasakote ang suspek.

vuukle comment

ACIRC

ANG

ATILDE

AYON

BARANGAY BA

BARANGAY MAKINABANG

BUDOL GANG

DALE SOLIBA

EVELYN DE GUZMAN

MARY ANN DIEZMO

PLARIDEL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with