Paslit nalunod sa pusali

MANILA, Philippines – Isang 5-anyos na batang lalaki ang nasawi matapos itong malunod sa pusali na nasa likuran ng kanilang bahay sa Brgy. Tayuman, Lobo, Batangas kamakalawa.

Ang biktima ay kinilalang si Mark EJ Magtibay, ng Sitio Cupang, Brgy.Tayuman ng bayang ito.

Batay sa ulat, bandang alas-11:00 ng tanghali nang matagpuang nakasubsob ang ulo ng biktima sa hanggang tuhod na lalim na pusali.Ayon sa imbestigasyon,huling nakitang buhay ang bata habang naglalaro sa kanilang bakuran dakong alas-10:00 ng umaga.

Natagpuan ng kanilang mga kapitbahay na padapang nakasubsob ang bata sa pusali na nagawa pang maisugod sa Lobo District Hospital,subalit idineklarang dead-on-arrival.

Show comments