2 tiklo sa droga at boga

File photo

CAMARINES NORTE, Philippines – Napasakamay ng anti-narco­tics agent ng Philippine Drug Enforcement Agency at pulisya ang dalawang umano’y tulak ng droga sa isinagawang  search warrant operation sa Purok 6 Brgy. Parang, Jose Panganiban, Camarines Norte kamakalawa ng umaga.

Nakilala ang mga suspek na sina Van Valenzuela, 39, may-asawa at si Bernard Base, 35, binata, kapwa resi­dente ng nasabing barangay.

Isinagawa ang pagsisilbi ng arrest warrant dakong alas-11:00 ng umaga sa bahay ni Valenzuela. Nakuha sa pag-iingat ni Valenzuela ang ilang gramo ng shabu, drug paraphernalias, isang homemade improvised shotgun at tatlong pirasong 12 gauge live ammunition. Samantala, nakuha naman mula kay Base ang  isang sachet ng pinaniniwalaang shabu at drug paraphernalias.

Kasong paglabag sa RA 9165 o mas kilala sa Com­prehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at illegal possession of firearms and ammunition ang isasampa sa mga suspek.
 

Show comments