Totoy pinatay sa gulpe

CAVITE, Philippines – Brutal na kamatayan ang sinapit ng 5-anyos na totoy habang malubha naman ang kaibigan nito makarang gulpihin ng katiwala sa subdivision sa Barangay San Juan 1, bayan ng General Trias, Cavite kamakalawa. Hindi na umabot ng buhay sa ospital si JB Beltran habang nakikipaglaban naman kay kamatayan  si John Carlo Cabrera, 5, kapwa nakatira sa nasabing bayan habang pinaghahanap na ang suspek na si Domingo Manibao, 78, ng Barangay Dulong Bayan sa nabanggit na bayan. Sa police report na nakarating sa Camp Pantaleon Garcia sa Imus City, natagpuan ang dalawang biktima sa loob ng abandonadong kotse na may plakang XTA-744 sa nasabing lugar.  Lumilitaw na nagalit ang suspek sa mga biktima matapos maglaro sa ibabaw ng heavy equipment na kanyang binabantayan kaya ginulpe at pinaghahataw ng kahoy saka ikinulong sa kotse. Cristina Timbang

 

Show comments