Mag-asawa niratrat

MANILA, Philippines – Brutal na kamatayan ang sinapit ng mag-asawa matapos ratratin ng mga di-kilalang kalalakihan na sinasabing mortal na kaaway sa Barangay Balas, bayan ng Labason, Zamboanga del Norte kamakalawa. Kinilala ang mag-asawa na sina Elpidio Masibay, 50; at Merlyn Masibay; 48, kapwa nakatira sa nasabing barangay. Ayon sa imbestigasyon, patungo ang mag-asawa sa kanilang bukirin nang harangin at pagbabarilin ng mga armadong lalaki bandang alas-10:15 ng umaga. Natukoy naman ang mga suspek na mula sa grupo ni Omar “Sapii” Arasi na kasalukuyang pinaghahanap ng pulisya. Narekober sa crime scene ang 30-basyo ng bala ng Garand.

Show comments