^

Probinsiya

Trader kinatay ng trabahador

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Napatay ang 69-an­yos na negosyante habang malubha naman ang ka-live-in nito matapos pagsasaksakin ng kanilang trabahador na naaktuhang nagnanakaw kamakalawa sa Barangay San Juan, Surigao City, Surigao del Norte kamakalawa.

Idineklarang patay sa Caraga Regional Hospital ang biktimang si Samuel Apole Sr. habang nakikipag­laban  naman kay kamatayan ang ka-live-in nitong si Rosalia Escol.

Lumilitaw sa imbestigasyon na naalimpu­ngatan ang magka-live-in sa nilikhang kaluskos ng 21-an­yos na suspek na si Romart “Roldan” Payumo habang may naghahalughog sa kanilang silid.

Naaktuhan ni Apole ang suspek habang kinukuha sa shoulder bag ni Escol kaya’t nagsisigaw ang matanda para marinig ang mga kapitbahay.

Nairita ang suspek at sunud-sunod na sinaksak ang matanda at maging si Escol ay inundayan ng saksak matapos itong sumi­gaw din.

Mabilis na tumakas ang suspek tangay ang hindi pa mabatid na halaga habang naisugod ng mga kapitbahay sa pagamutan ang magka-live-in pero  nabigong masagip ang matanda.

Narekober  naman sa crime scene ang patalim na ginamit ng suspek.

vuukle comment

APOLE

BARANGAY SAN JUAN

CARAGA REGIONAL HOSPITAL

ESCOL

IDINEKLARANG

LUMILITAW

ROSALIA ESCOL

SAMUEL APOLE SR.

SURIGAO CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with