Negosyanteng Bumbay itinumba

CAVITE, Philippines – Napaslang ang 44-anyos na negosyanteng Bumbay matapos pagbabarilin ng di-kilalang lalaki sa bisinidada ng pamilihang bayan sa Barangay Daang Amaya 1, bayan ng Tanza Cavite kamakalawa. Napuruhan sa katawan ang biktimang si Balwinder Singh ng Barangay Sta. Cecilia 1 Mulawin sa nasabing bayan. Base sa police report, naglalakad ang biktima mula sa paniningil ng pautang nang lapitan at ratratin ng gunman pagsapit sa nasabing lugar.

Show comments