^

Probinsiya

Inhinyero dinedo sa hotel

Pilipino Star Ngayon

BULACAN, Philippines – Brutal na kamatayan ang sinapit ng 34-anyos na civil engineer matapos itong pagsasaksakin ng kanyang kasamang di-kilalang lalaki sa loob ng hotel sa Barangay Sabang, bayan ng Baliwag, Bulacan kamakalawa ng gabi. Siyam na saksak sa ulo ang tumapos sa buhay ni  Ramon Dela Cruz ng Barangay Cambaog sa bayan ng Bustos, Bulacan habang nakatakas naman ang suspek na kasama nitong nag-check-in sa hotel. Ayon kina PO3 Jesrael Yahweh Giron at PO2 George Jay Cruz, nag-check-in ang biktima kasama ang hindi nakilalang lalaki sa Aries Lodge Hotel. Makalipas ang ilang oras ay nagmamadaling lumabas ng kuwarto ang kasamang lalaki kung saan tinangay pa ang motorsiklo ng biktima. Nabatid na tinangay din ng suspek ang dalawang celpone at pitaka ng biktima habang patuloy ang imbestigasyon. Boy Cruz

 

vuukle comment

ARIES LODGE HOTEL

AYON

BALIWAG

BARANGAY CAMBAOG

BARANGAY SABANG

BOY CRUZ

BULACAN

GEORGE JAY CRUZ

JESRAEL YAHWEH GIRON

RAMON DELA CRUZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with