Cafgu sugatan sa ambush

MANILA, Philippines – Sugatan ang 29-anyos na miyembro ng Cafgu Active Auxiliary makaraang tambangan ng mga di-kilalang lalaki sa kahabaan ng Barangay Landang Laum sa Sacol Island, Zamboanga City kamakalawa. Naisugod sa Zamboanga Medical Center ang biktimang si Kamar Hajan na nagtamo ng mga tama ng bala ng M16 rifle sa katawan. Nakaligtas naman ang kaangkas sa motorsiklo ni Hajan na si Jamud Goiwin na kapwa  nakatalaga sa Busay detachment sa nasabing isla. Base sa ulat, naganap ang pananambang matapos na dumalo sa 7 Days Prayer ang biktima. Narekober sa crime scene ang mga basyo ng bala ng M16 rifles.

Show comments