62-anyos lola dinospordos, patay

MANILA, Philippines - Brutal na kamatayan ang sinapit ng 62 -anyos na biyudang lola makaraan itong hambalusin ng dos- por-dos ng mga di-kilalang kalalakihan sa loob ng kanyang bahay sa Barangay Dabiak, bayan ng Katipunan, Zamboanga del Norte kamakalawa.

Nagtamo ng malalim na sugat at pasa sa katawan partikular na sa bahagi ng ulo ang biktimang si Mosaria Dayao.

Sa police report na isi­numite sa Camp Crame, nadiskubre ng apo na si Zorisel ang duguang katawan ng kanyang lola sa kusina matapos itong bumisita sa matanda.

Sa pagsusuri ni Dr. Stephen Samonte ng Municipal Health Office, na­diskub­re na cerebral hemorhage 2nd to traumatic injury sa ulo ang ikinamatay matanda.

Nabatid na nag-iisa ang matanda sa kaniyang bahay nang pasukin ng mga di-kilalang kalalakihan.

Pinaniniwalaang alitan sa lupa ang isa sa motibo sa pagpatay sa matanda habang patuloy naman ang imbestigasyon.

Show comments