2 NPA tumba sa encounter

MANILA, Philippines - Napaslang ang dalawang miyembro ng rebeldeng New People’s Army matapos makasagupa ng tropa ng mga sundalo sa liblib na bahagi ng Barangay Gupitan, bayan ng Kapalong, Davao del Norte kamakalawa ng umaga. Kasalukuyan pang inaalam ang pagkakakilanlan ng dalawang napatay makaraang makasagupa ang tropa ng Army’s 60th  Infantry Battalion. Ayon kay Captain Ernest Carolina, spokesman ng Army’s 10th Infantry Division, nakatanggap ng impormasyon ang militar kaugnay sa presensya ng mga rebelde na nangingikil sa mga residente. Kaagad na rumesponde ang tropa ng militar kung saan sumiklab ang bakbakan. Wala namang nasugatan sa panig ng mga sundalo habang narekober naman ang isang AK 47 assault rifle, dalawang communication radios, dalawang backpacks at  tatlong magazine ng 7.62mm na  bala.

 

Show comments