PNP nakaalerto sa Masskara Festival

MANILA, Philippines – Nakaalerto ang kapulisan kaugnay ng  ipinatutupad na seguridad sa pagdiriwang ng “Masskara Festival 2014” sa Bacolod City, Negros Occidental sa susunod na linggo.

Ayon kay Police Regional Office (PRO) 6 Director P/Chief Supt. Josephus Angan, nakahanda ang buong puwersa ng pulisya upang tiyakin na magiging mapayapa ang pagdiriwang ng tradisyunal na okasyon. Ang Masskara Festival ay idaraos sa darating na Oktubre 19 na tatampukan ng ‘street dancing’ at ‘Masskara parade’. Nabatid na umpisa pa noong Ok­tubre 1 ay marami ng idinaraos na kasayahan sa lungsod ng Bacolod kaugnay ng pamosong Masskara festival. Samantalang pangunahin namang babantayan ay ang mga lugar na pagdarausan ng iba’t ibang programa upang tiyakin ang kaligtasan ng mamamayan, mga turista partikular na ang mga dayuhang makikiisa sa pagdiriwang. 

Show comments