Anak ni Galman tiklo sa drug bust

BULACAN, Philippines  – Dalawa-katao kabilang ang anak na lalaki ni Rolando Galman ang nasakote sa isinagawang drug bust operation ng pulisya sa Barangay Bagong Silang, bayan ng San Miguel, Bulacan kahapon. Pormal na kinasuhan ni P/Supt. Ganaban Ali, chief ng San Miguel PNP ang mga suspek na sina Kagawad Reynaldo Galman, 41, anak ni Rolando Galman na sinasabing bumaril at nakapatay kay ex-Sen. Ninoy Aquino; at Ricardo Daquiz, 57, magsasaka, nakatira sa Barangay Batasang Matanda. Sa ulat ni PO3 Gilbert Tadeo, bandang alas-2:40 ng hapon nang salakayin ng mga operation ng Drug Enforcement Unit ang bahay ng mga suspek matapos makatanggap ng impormasyon na talamak ang bentahan ng iligal na droga sa nasabing lugar. Nasamsam sa mga suspek ang ilang plastic sachets ng shabu na may street value na P33,000, mga drug paraphernalia.

Show comments