2 most wanted, dakma

CAMARINES NORTE , Philippines    - Rehas na bakal ang binagsakan ng dalawang most wanted na sangkot sa pagpatay at panggagahasa matapos masakote ng mga operatiba ng pulisya sa magkahiwalay na operasyon sa lalawigan ng Camarines Sur kamakalawa. Kinilala ni P/Insp. Jorgelito Alforte ang mga suspek na sina Landrito Candor, 41, ng Brgy. Cabadisan; at Jesus Caratero ng Brgy. Sagrada-Bato.   Si Candor ay dinakma sa bayan ng Ragay sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ni Judge Cecilia R. Borja-Soler ng Libmanan  Regional Trial Court Branch 29 sa Camarine Sur sa kasong murder.  Samantala, si Caratero  ay naaresto sa bayan ng Bato sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Judge Manuel M. Rosales ng Iriga City Regional Trial Court Branch 34.

 

Show comments