Cafgu tinodas sa batalan

TUGUEGARAO  CITY, Cagayan, Philippines  – Pinabulagta ang 57-anyos na miyembro ng Civilian Armed Forces Geographical Unit (Cafgu) makaraang ratratin habang  naliligo sa batalan ng kanilang bahay sa Barangay Baluarte, bayan ng Salcedo, Ilocos Sur kamakalawa.? Sa ulat ni P/Insp. Rodrigo Lubiano Jr, hepe ng Salcedo PNP, nabatid na nagpaalam ang biktimang si Rogelio Buton sa kanyang misis na maliligo sa batalan. Subalit ilang minuto ang nakalipas ay umalingawngaw ang sunud-sunod na putok ng baril kung saan duguang bumulagta ang biktima. Nakatakas naman ang gunman matapos na sumakay sa kasabwat na nakamotorsiklo na naghihintay may ilang metro ang layo sa crime scene.

Show comments