Love triangle: Anak inutas ng ama

SANTIAGO CITY, Isabela, Philippines - Pinaniniwalaang love triangle ang isa sa motibo kaya pinagsasaksak hanggang sa mapatay ang 38-anyos na anak ng sariling ama sa bayan ng Magsingal sa lalawigan ng Ilocos Sur kamakalawa.

Kinilala ng pulisya ang napatay na si Richer Castillo habang nakakulong naman sa himpilan ng pulisya ang suspek na si Lorenzo Castillo, 54, kapwa nakatira sa Barangay Puro sa nabanggit na bayan.

Sa inisyal na imbestigasyon na nakarating kay P/Insp. Jaime Laguesma, hepe ng Magsingal PNP, luma­labas na love triangle ang isa sa dahilan kaya nagawang patayin ng ama ang kanyang anak.

Lumilitaw sa pagsisiya­sat na ang asawa ng biktima ay sinasabing karelas­yon ng ama batay na rin sa testimonya ng ilang residente at maging ang tunay na asawa ng suspek.

Sinasabing nagseselos sa kanyang anak ang ama sa tuwing makikita ang manugang na babae na naglalambing sa asawa.

Napag-alaman na sinugod ng ama ang kanyang anak saka sunud-sunod na inundayan ng saksak hanggang sa mapatay.

Show comments