Bahay ng mediaman, niratrat

TUGUEGARAO CITY, Cagayan , Philippines  - Naghari ang sindak sa mga residente sa maliit ng komunidad matapos ratratin ng riding-in-tandem ang bahay ng radio reporter sa Barangay Binalan, bayan  ng Aparri, Cagayan kamakalawa ng gabi. Sa ulat ni PO1 Jake Maximo, nanood ng telebisyon sa kanilang bahay ang biktimang si Jose Dela Peña, news correspondent ng Radio Natin sa nasabing bayan nang umalingawngaw ang sunud-sunod na putok ng baril. Gayon pa man, mabilis na nakadapa si Dela Peña  kaya hindi nasapol ng mga bala. Ayon sa kapatid ng mamamahayag na si Michele, napansin niya ang dalawang di-kilalang lalaki na naka-jacket at helmet na umaaligid sa kanilang bahay bago naganap ang pamamaril bandang alas-11:30 ng gabi. Narekober sa paligid ng bahay ng biktima ang ilang basyo ng bala ng cal. 45 pistol habang patuloy naman ang imbestigasyon.

Show comments