9-anyos naatrasan ng trak, pisak

Cavite , Philippines  - Hindi na umabot ng buhay sa pagamutan ang isang 9 -anyos na batang lalaki matapos itong maatrasan ng isang Isuzu Elf habang ang una ay nagbibisikleta kamakalawa ng hapon sa  Brgy. Molino 7, Bacoor City, Cavite. Ang biktima ay kinilala ng pulisya na si John Vincent Plaza, residente ng Blk 1, Lot 39, Eusebio St., Brgy Gawaran ng nasabing lunsod. Arestado naman ang driver ng truck na nakilalang si Emilio Romero, 34.

Sa imbestigasyon ni P02 Albert Badocdoc, may hawak ng kaso alas-2:30 ng hapon ng maganap ang insidente habang naglalaro umano ang biktima sakay ng kanyang bike habang ang Isuzu Elf truck (TNZ 720) na minamaneho naman ng suspek ay nasa loob din ng naturang kalsada ay umatras at hindi  nito napansin ang nagbibisikletang biktima kung kaya nasapul niya ito at tuluyang nasagasaan. Mabilis namang itinakbo sa pagamutan ang bata subalit hindi na rin naisalba ang buhay nito.

Nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting to homicide and damage to property ang nasabing driver.

 

Show comments