^

Probinsiya

Turistang Hapones utas sa holdaper

Boy Cruz at Dino Balabo - Pilipino Star Ngayon

BULACAN , Philippines -– Nabahiran na naman ang pangalan ng bansa na isa sa pinakamapanganib bakasyunan ng mga turista matapos na mapatay sa holdap ang 60-anyos na turistang Hapones sa kahabaan ng Maharlika Highway sa Barangay Sacdalan, bayan ng San Miguel, Bulacan noong Lunes ng gabi.

Kinilala ni P/Supt. Fitz Macariola ang biktimang si Engineer Katsushige Fujinaga ng Fukishima, Japan habang naaresto at pormal nang kinasuhan ang mga suspek na sina Bartolome Alvaro, 48; Armand Lubong, 33; at si Junior Cascano, 21, habang tinutugis ang dalawa pang suspek na sina Rosendo Cascano at Jaypee Gunayan na kapwa nakatira sa Barangay Tigpalas.

Nabatid na nagtungo ang biktima sa Nueva Ecija para bisitahin ang kanyang nobya kung saan lulan ito ng kotseng may plakang NQU-691 na minamaheno ng isa sa suspek na si Alvaro.

Gayon paman, hinarang ng mga suspek na lulan ng traysikel (3802-DO) ang kotse ng biktima pagsapit sa nasabing barangay saka nagdeklara ng holdap.

Subalit nanlaban ang biktima kaya niratrat ng isa sa mga suspek na kasabwat ni Alvaro.

Nasakote naman ang mga suspek matapos na maghinala ang pulisya kay Alvaro kung saan narekober ang mga personal na gamit ng biktima kabilang na ang P135,000 cash.

vuukle comment

ALVARO

ARMAND LUBONG

BARANGAY SACDALAN

BARANGAY TIGPALAS

BARTOLOME ALVARO

ENGINEER KATSUSHIGE FUJINAGA

FITZ MACARIOLA

JAYPEE GUNAYAN

JUNIOR CASCANO

MAHARLIKA HIGHWAY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with