P.2-M pabuya vs killer ng solon aide

BULACAN, Philippines - — Nag-alok ng P.2 milyong pabuya ang lokal na pamahalaan ng Malolos City sa sinumang makapagtuturo sa mga suspek na  pumatay sa chief of staff ni Bokal Michael Fermin na si Edwin Inocencio kamakalawa, Kaugnay nito, bumuo na rin ng Task Force Inocencio si P/Supt. Donato Bait kung saan ilang oras matapos ang pamamaslang noong Huwebes. Ayon kay Mayor Christian Natividad, nakahanda silang magbigay ng pabuyang P.2 milyon para sa sinumang makapagtuturo sa gunmen. Gayon pa man, hindi isinasantabi ng pulisya ang anggulong pulitika batay na rin sa naunang pahayag ni Bokal Michael Fermin. Kinumpirma ni Bait na nakatatangap ng pagbabanta sa buhay si Fermin.

Show comments