^

Probinsiya

SUV hulog sa bangin: 2 patay, 5 kritikal

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon

TUGUEGARAO CITY, Cagayan , Philippines   â€“ Dalawa-katao ang namatay habang lima naman ang malubhang nasugatan makaraang mahulog ang kanilang sasakyang SUV sa malalim na bangin sa kahabaan ng Baguio- Nueva Viscaya Road sa Sitio Camisong, Barangay Loacan, bayan ng Itogon, Benguet noong Sabado ng hapon.

Kinilala ni P/Chief Insp. Fernando Botangen, hepe ng Itogon PNP ang dalawa na namatay habang ginagamot sa Baguio General Hospital ay sina Thita Saguid, 38; at Reynaldo Paz, 63, OFW mula Canada at kapwa tubong bayan ng Bokod, Benguet.

Kritikal naman sa Benguet General Hospital ang driver at may-ari ng SUV na si Cyrilo Blas, 55, isa ring OFW mula Australia at ang misis nitong si Eunice Blas, 47; at kaanak na si Aries Blas, 26, kawani ng lokal na pamahalaan ng bayan ng Bokod;  Carmela Paz, 44, misis ni Reynaldo at OFW din sa Canada at si Mika Edio Rufino, estudyante.

Ang mga biktima ay mga bakasyunista lamang na nagbalikbayan sa kanilang lugar kung saan naganap ang trahedya.

Lumalabas sa imbes­tigasyon na patungong bayan ng Bokod, Benguet ang mga biktima mula sa Baguio City nang magkaaberya ang makina at mawalan ng kontrol sa manibela ang driver kung saan nagtuluy-tuloy na mahulog sa may 100 metrong lalim na bangin.

vuukle comment

ARIES BLAS

BAGUIO CITY

BAGUIO GENERAL HOSPITAL

BARANGAY LOACAN

BENGUET

BENGUET GENERAL HOSPITAL

BOKOD

CARMELA PAZ

CHIEF INSP

CYRILO BLAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with