Mag-ama grinipuhan ng anak

TUGUEGARAO CITY, Cagayan , Philippines– Nakikipaglaban kay kamatayan ang mag-ama  makaraang saksakin ng isa ring anak nitong lango sa alak na nakulitan sa kanyang kalasingan sa Barangay Puro, bayan ng Magsingal, Ilocos Sur kamaka­lawa. 
Nasa intensive care unit ng Gabriela Silang General Hospital
 ang mag-amang Nemesio Tabigbe at anak na si Marcelino. Lumalabas sa imbestigasyon na nasa magkahiwalay na lamesa ang mag-ama at suspek na anak nang hindi nagustuhan nito ang paglipat ng kanyang ama sa kanilang lamesa. Nairita ang suspek sa kanyang ama dahil sa nakisabat ito sa pinagtatalunan nilang magkakaibigan sa inuman kaya inundayan nito ng saksak.
 Nagtangka namang saklolohan ng utol nitong si Marcelino ang sinaksak na ama subalit maging ito ay grinipuhan din. 
Sa kulungan na nagpalipas ng kalasingan ang suspek na abot pagsisisi sa nagawa nitong pananaksak sa kanyang ama at utol.

Show comments