Mag-utol pinabulagta

LEGAZPI CITY, Albay , Philippines -- Brutal na pinatay ang mag-utol na matanda matapos itong pagtulungang gulpihin ng mga di-kilalang lalaki kung saan binasag pa ang bao ng ulo sa panibagong karahasang naganap sa Puro 6, Barangay Sogod sa bayan ng Bacacay, Albay kahapon ng umaga. Bandang alas-8 ng umaga nang matagpuan sa madamong kalsada ang mga bangkay nina Editha Barbacena, 72; at Felix Barbacena, 50, kapwa nakatira sa nasabing barangay. Huling namataang buhay ang magkapatid na nanood ng telebisyon sa kanilang bahay kung saan dinalhan pa ito ng panghapunan ng kanilang nakababatang utol na si Nicasio. Subalit kinaumagahan habang maghahatid sana ng pang-almusal si Nicasio ay natagpuan  nito ang dalawang kapatid na duguang nakahandusay kaya mabilis na ipinagbigay-alam sa pulisya.

Show comments