Binata piniling magbigti kaysa magpakasal

CAVITE , Philippines   â€“ Mas piniling magpasalubong kay kamatayan ang 26-anyos na binata kaysa piliting magpakasal sa isang dalaga sa bayan ng Maragondon, Cavite kahapon. 

Bandang alas-6 ng umaga nang matagpuang nakabitin sa punungkahoy ang biktimang si Melvin Bilbao, driver, ng Barangay Pantihan 3 sa nasabing bayan.


Sa police report na nakarating kay P/Senior Inspector Toribio Asa, lumilitaw na namanhikan na ang biktima sa 23-anyos na dalagang kapitbahay pero labag ito sa kalooban ni Bilbao.

Tumanggi naman magbigay ng detalye ang pamilya ng biktima kaugnay sa pagpapakasal nito sa dalaga.

 

Show comments