Barangay chairman kinidnap

MANILA, Philippines - Dinukot ng mga armadong kalalakihan ang bete­ranong barangay chairman kamakalawa  ng umaga sa kasagsagan ng barangay elections sa Lamitan City, Basilan. Kinumpirma ni PNP Autonomous Region in Muslim Mindanao Director P/Chie­f­­ Supt. Noel de los Reyes ang pagdukot kay Chairman Alrusdi Kasim Jainul ng Barangay Tandung Ahas sa na­sabing lungsod. Ayon sa imbestigasyon, patungo sa Isabela City, Basilan ang biktima nang harangin ng mga di-kilalang lalaki na lulan ng itim na SUV at dalawang motorsiklo. Hindi na nakapalag pa ang biktima matapos tutukan ng baril saka isinakay sa SUV na tumakas  patungo sa direksyon ng Isabela City. Inaalam ng pulisya kung may kinalaman sa barangay elections ang insidente.

Show comments