Mag-utol dedo sa pag-iwas sa basura

TUGUEGARAO CITY, Cagayan , Philippines   â€“ Magkasabay na sinalubong ni kamatayan ang mag-utol na lalaki makaraang sumalpok ang kanilang kotse sa poste ng kuryente sa kahabaan ng highway sa Barangay 7, bayan ng Bacarra, Ilocos Norte kahapon ng umaga.

Kinilala ng pulisya ang mag-utol na sina Basio Jesus Ranchez, professor sa Ma­riano Marcos State University sa Laoag City at John Marnel Ranchez, 34.

Malubha naman na­sugatan at naisugod sa Governor Roque Ablan Sr. Memorial Hospital si Eugene Ramos, 28, kasamang guro ni Basilio sa nasabing eskuwelahan.

Lumalabas sa imbestigas­yon ng pulisya na nawalan ng control ang drayber ng kotse na si John matapos nitong iwasan ang nakatambak na basura sa gitna ng kalsada kaya nagtuluy-tuloy na sumalpok sa poste.

Kapwa idineklarang patay sa nasabing ospital ang mag-utol na Ranchez habang nasa kritkal naman ang kasamang si Basilio.

Show comments