2 inutas sa birthday party

CAMP SIMEON OLA, Legazpi City , Philippines  â€“ Pinabulagta ang dalawang bisita sa birthday party matapos pagbabarilin ng ama ng celebrant  sa Barangay Cueva, bayan ng San Pascual, Masbate kamakalawa ng gabi. Kinilala ng pulisya ang mga napatay na sina Pascual Postrano, 45; at Anastacio Godinez, 46, kapwa magsasaka at nakatira sa Sitio Ba­yanihan nasabing barangay. Samantala, sumuko naman sa pulisya ang suspek na si Randy Catingtigan, 32 , magsasaka at nakatira rin sa nabanggit na barangay. Sa police report, naganap ang pamamaril habang idinaraos ng anak ng suspek ang kanyang kaarawan kung saan imbitado ang mga biktima. Nabatid na lango na ang mga biktima nang sumiklab ang mainitang pagtatalo sa pagitan ng suspek at ni Postrano kung saan inawat naman ni Godinez. Subalit nairita ang suspek sa katwiran ni Postrano at pinagbabaril ang dalawa.

Show comments