Trader inutas sa piggery farm

NUEVA ECIJA , Philippines   â€“ Kamatayan ang sumalubong sa 43-an­yos na negosyante matapos itong pagbabarilin ng dalawang maskaradong lalaki sa Purok 4, Barangay Sta. Maria sa bayan ng Licab, Nueva Ecija kamakalawa ng umaga. Sa police report na nakarating kay P/Senior Insp. Ador Depnag, officer-in-charge ng Licab PNP, patungo sa kanyang babuyan ang biktimang si Jhomar Alviento para pakainin ang mga alagang baboy nang salubungin at ratratin ng dalawang gunmen bandang alas-11 ng umaga. Naglakad palayo ang gunmen na animo’y walang naganap na krimen kung saan narekober naman ng mga tauhan ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) sa crime scene ang 5-basyo ng cal .45 pistol.

Show comments