Elementary school naabo

CEBU, Philippines – Hindi na naipagpapatuloy ng mga estud­yante ang kanilang pag-aaral matapos masunog ang Pinamungajan Central School sa Barangay Poblacion kamakalawa. Apat na klasrum ng grade 2 at grade 1 ang nilamon ng apoy kung saan nagsimula ang sunog bandang alas-12 ng tanghali. Ayon kay PO3 Gilbert Barrera, naapula naman ang apoy bandang alas-12:30 ng hapon kung saan napinsala ang mga libro at iba pang gamit ng nasabing school. Kasalukuyang inaalam ng mga imbestigador ng Pinamungajan Fire Station ang pinagmulan ng apoy kung saan nakararanas ang nasabing bayan ng rotating brownout simula alas-10 ng umaga hanggang 4 ng hapon. Freeman News Service

 

Show comments