Kinalasan ng nobya, nag-suicide sa mall

MANILA, Philippines - Nagpaalam muna sa facebook account, bago nag-suicide ang 27-anyos na lalaki na sinasabing kinalasan ng nobya matapos tumalon mula sa ikaapat na palapag ng mall sa Davao City, Davao del Sur kamakalawa ng gabi. Sa ulat ni P/Senior Supt. Ronald de la Rosa, director ng Davao City PNP na isinumite sa Camp Crame, positibong kinilala ng kaniyang pamilya ang biktima na si Nestor Ramos ng Isabela Homes, New Visaya, Pa­nabo City. Base sa imbestigasyon, bigla na lamang lumagapak ang katawan ng biktima sa parking area sa exit road ng GMall sa kahabaan ng Sta. Ana Avenue bandang alas-8:10  ng gabi. Nabasag ang bungo at nagkabali-bali ang buto dahil sa lakas ng pagbagsak nito sa sementadong parking area ng mall. Bago maganap ang insidente ay namataan ng ilang staff at guwardiya sa mall ang biktima na tila wala sa sarili na paikut-ikot sa ikaapat na palapag. Napag-alamang nagtungo sa Davao City ang biktima mula sa Maynila .

 

Show comments