2 bagets utas sa bike crash

CAMP SIMEON OLA, Legazpi City, Philippines – Dalawang ba­gets ang kumpirmadong namatay habang dalawa naman ang malubhang nasugatan makaraang sumemplang ang kanilang motorsiklo sa kahabaan ng highway sa Purok 7, Barangay Hindi sa bayan ng Bacacay, Albay kahapon ng madaling-araw. Hindi na umabot ng buhay sa  Bicol Regional Training and Teaching Hospital ang mga biktimang sina Miljane Bersabe, 16; at Vanessa Beliario, 13, habang malubha naman sina Lealyn Barcenas, 15; at Jose Bombales, 16, pawang mga estudyante at nakatira sa nabanggit na barangay. Base sa police report, papauwi na ang mga biktimang lulan ng motorsiklo mula sa pakikipag-inuman sa Children’s Paradise Resort  nang sumemplang sa madulas na kalsada kung saan namatay ang dalawa.

 

Show comments