Guro dinedo sa silid-aralan

MANILA, Philippines - Pinabulagta ang 63-anyos na guro matapos itong barilin ng di-kilalang gunman sa loob ng silid-aralan ng elementary school sa Barangay Navitas, bayan ng Malinao, Aklan kamakalawa ng gabi. Kinilala ang biktima na si Jose Rimano Yabut na pansamantalang nanuluyan sa Navitas Elementary School matapos itong masunugan ng bahay. Sa ulat ng pulisya, bandang alas-6:30 ng umaga nang matagpuan ang bangkay ng biktima ng kasamahan nitong guro sa loob ng silid-aralan sa nasabing eskuwelahan. Nabatid na noong Huwebes ng gabi ay ilang putok ng baril ang narinig ng mga residente mula sa naturang eskuwelahan sa gitna na rin ng malakas na buhos ng ulan.

 

Show comments