Negosyante bulagta sa tandem

BULACAN, Philippines – Napaslang ang 58-anyos na negosyante matapos pagbabarilin ng riding-in-tandem sa Barangay Camias, bayan ng San Miguel, Bulacan kahapon ng umaga. Apat na bala ng cal .38 revolver ang tumapos sa buhay ni Alfaro Loreto habang tinamaan naman ng ligaw na bala si Armieselda Santos, 61. Base sa police report, hinihintay ng biktima ang kanyang nobya nang lapitan at ratratin ng tandem. Nakatakbo pa ang biktima kahit sugatan subalit hinabol siya at muling pinutukan kung saan tinamaan ng ligaw na bahay si Santos na nasa loob ng bahay. Sinisilip ng mga imbestigador ng pulisya ang anggulong alitan sa negosyo at love triangle sa naganap pamamaslang.

Show comments