Masamang tumitig, tinodas

CAVITE, Philippines - Napatay ang 45-anyos na mister matapos pagbabarilin ng kanyang kapitbahay na lalaki dahil sa masamang titig kamakalawa ng gabi sa Barangay Poblacion 4-C sa Imus City, Cavite. Nasawi habang ginagamot sa Our Lady of Pillar Hospital ang biktimang si Alexander Saitanan ng #476 Dimasalang Subdivision ng nasabing barangay habang tugis naman ang suspek na si Benedicto Saria, 46. Ayon kay PO2 Ernesto Dasalla Jr., natiyempuhan ng suspek ang masamang titig ng biktima habang ito ay nakatayo sa bakuran ng bahay. Dito na nilapitan at pinagbabaril ng suspek ang biktima. Narekober sa crime scene ang limang basyo ng cal. 38 revolver.

Show comments