Adik nanunog ng bahay

CAMP SIMEON OLA, Legazpi City, Philippines – Isang 22 anyos na adik sa drogang binata ang ipinakulong ng kanyang sariling ina matapos na sunugin nito ang kanilang bahay kamakalawa ng gabi sa Barangay San Antonio, Minalabac, Camarines Sur.

Sa ulat ng pulisya, naganap ang insidente dakong alas-6 ng gabi nang umuwi ang suspek na si Ramcy Bucad na sinasabing lango sa droga at nagwawala. Gayon pa man, pinagsabihan ng inang si Dolores ang kanyang anak na huminahon subalit lalo itong nagwala at

maging ang mga kabarangay nito ay walang magawa.

Hanggang sa bigla na lamang nitong kunin ang ma­laking dahon ng anahaw saka sinindihan kung saan inihagis sa bubong ng kanilang bahay. Mabilis na kumalat ang apoy kung saan tinupok ang kanilang bahay.

 

Show comments